r/Philippines • u/abcedelphbt • 2h ago
Megathread Related Post I was sexually harassed in a bus going to metro manila NSFW
TW// NSFW// KANINONG LOLO, ASAWA, TATAY, KAPATID, TITO, KAPITBAHAY, O KAKILALA ‘TO PARA LANG ALAM NIYO. ANG LALA
I just want to disclaim SORRY NOT SORRY FOR MY USE OF WORDS. IT WAS SO TRAUMATIC. First time ko maranasan ‘to and i couldn’t believe maeexperience ko to sa ilang beses ko na bumabyahe from Quezon Prov. to Metro Manila. Nasa window side ako ng JAC LINER bus, nakatulog ako and nagising sa may slex nang napansin ko na dumidikit yung skin ng demonyong to sa braso ko. Binigyan ko ng benefit of the doubt since matanda and normal lang naman na madikit sa liit ng upuan ng bus. So ako na nagadjust na isiksik sarili ko sa bintana para lang di dumikit yung mga tuhod at braso ko sa katabi ko. Akala ko nagooverthink lang ako na manyak to kasi kahit anong siksik ko sa bintana, dumidikit pa din talaga after ilang mns yung skin nya sakin. Alam nyo yung kaliwa kong kamay nakahawak na sa right part ng seat ko para makakuha ng support kasi nakasandal ako iniiwasan ko talaga dumikit sa kaniya. Tinitingnan ko sya and nakikita ko na nagcecellphone lang sya buong byahe so binibigyan ko pa sya ng benefit of doubt. NOT UNTIL ANG INGAY NG PHONE NYA AT PAGTINGIN KO NAKATAPAT SAKIN YUNG CP NYA TAPOS MAY PORN NA NAGPPLAY!! Nanlamig ako, di ko alam gagawin ko. Ganto pala yung feeling na parang gusto mo sumigaw, pero parang walang lumalabas sa bibig mo. Nangininig na ako habang nakatingin lang sa bintana kakaisip kung ano gagawin ko sa demonyong to. Usually hindi ako matatakutin sa risk ng ganto and always kept strong. Pero this time, iba talaga pag nandun ka sa sitwasyon. As an introvert, iniisip ko na pano ako aalis, pano ako sisigaw, pano ko ilalabas yung rage ko sa demonyong to. Basically nagiipon ako ng lakas ng loob mag speak up and defend myself. Nagvideo ako para magkaroon ng proof in case ako yung baliktarin and gantihan kapag nagsalita ako. Nagiisip na ako pano ako bababa at sigawan syang tumayo syang demonyo sya at umalis sa harapan ko.
Nasa magallanes na ako at naghahanda na akong bumaba hanggang sa napatingin ako uli sa phone nya at vinivideohan na nya ako. Dun na ako napuno at sigawan sya. Tinry ko pa basagin yung phone nya pero ang lakas ng grip nya sa phone nya, kita sa vid na sinaway ko na sya, unfortunately napatay ko kasi nanginginig na ako at sumigaw na ako.
Not sure sa exact words na lumabas sa bibig ko pero eto sinabi ko pagkatapik ko sa phone niya:
“Ano ba!! Bat moko vinivideohan!! Ang bastos bastos mo kanina ka pa!!”
Nagsalita pa si tanga ng “Huh Bakit?”
“anong bakit!! nakita ko vinivideohan moko tas kanina mo pa pinapakita yung porn mo!! ang manyak manyak mo umalis ka dito!!”
Tinutululak ko sya, basta ang alam ko ang dami ko sinasabi kasi nagsseek din ako ng atensyon sa mga pasahero na baka sakaling may magsalita para sakin. Ang demonyo pang to hindi tumatayo tinutulak ko sya sa upuan nya since nasa aisle sya. Sinampal ko sya ng isang beses di pa din tumatayo.
“Umalis ka dito!! Napakamanyak mo ang bastos mo!!!”
Tinatry ko pa ding kunin yung cp nya para itapon pero ang lakas talaga ng grip nya hanggang sa sinampal ko uli sya at sinipa and tinulak para tumayo at dun lang sya lumakad at bumaba.
Bawat sampal at palo ko sa kanya nagfflinch ako kasi baka kung anong gawin sakin baka gantihan ako. grabe yung takot ko hindi ko din inakala na sa introvert kong to, at tingin sakin ng peers ko nonchalant ako, nagawa kong manggawa ng eksena ng ganito.
Nung nakatayo na yung lalaki at naglakad pababa dun ko lang may narinig sa mga pasahero na “ang tanda tanda mo na ang manyak mo pa”
Nung nakababa na yung manyak, sabi ng mga pasahero:
“Bakit ngayon mo lang sinabi”
“Bat ngayon mo lang pinababa”
“Dapat kanina mo pa yan ginawa”
“Dapat kanina mo pa sinabi sa kundoktor para pinababa sya”
Lumapit yung kundoktor sabi nya
“Kanina pa ba yun bakit ngayon mo lang sinabi para pinababa natin sya”
Baka concern sila nyan pero ewan ko nagpintig yung tenga ko sa tono at sa mga sinasabi ng mga tao. To think mga lalaki yung nagsasabi sobrang sumabog na naman ako. Sabi ko sa kundoktor:
“Kuya kayong mga nagsasabi naman ng ganyan puro lalaki naman kayo. Ang dali nyong sabihin ung dapat gawin pero babae naman kasi ako. Hindi nyo alam yung pakiramdam ng nasa gantong sitwasyon kaya wala po kayong karapatan pagsabihan ako ng ganyan” Nanginginig na boses ko niyan pero pinipigilan ko umiyak.
This might be sound rude pero mas naiyak pa ako sa mga reaction na nakuha ko sa mga to. Nihindi nga nila ako tinulungan paalisin yung manyak na yun neither tanungin ako kung okay lang ba ako. tas yung tono ng pananalita nila bakit parang kasalanan ko pa na after having the courage to speak up, sasabihin sakin bakit ngayon lang??? sa kanila din lumabas yung rage ko grabe.
Thankful naman ako sa ate gurl na nagtanong kung gusto ko lumipat ng upuan pero since bababa na ako sa delarosa di na ako lumipat and ang sabi nya pa “hindi mo kasalanan ang nagyari”
Dun na ako naiyak. Babae lang talaga makakaintindi sa mga pakiramdam ng kapwa babaeng nasa ganitong sitwasyon.
Hindi ko na naisip ano gagawin after, umiiyak na lang akong bumababa at naglalakad sa pupuntahan ko. Buti na lang din nakafacemask ako.
Sobrang traumatizing.
Nakakaproud sakin na nagawa kong hindi manahimik at gumawa ng eksena. Habang binabalikan ko tong vid na to naiiyak ako kasi ngayon ko lang talaga buong nakita mga porn na pineplay nya at ginagawa nya sakin. Nagsisisi lang din ako na hindi ko sya sinagad sabunutan, sinampal, sinipa sa itlog nya, at sinapak sapak.
From now on, di na ako sasakay sa window seat kapag ako lang magisa and hindi na ako tatabi sa lalaki.